Once Upon A Time

Chapter 20



Chapter 20

HINDI kaagad nakalapit si Selena kay Dean kahit pa nakita niya na ito sa tapat ng gate ng kanilang

mansyon. Nakaupo ang binata sa hood ng kotse nito at nakapaloob ang mga kamay sa bulsa ng suot

na leather jacket. Nakatingala ito sa kalangitan kaya hindi kaagad siya napansin nito.

Hindi inakala ni Selena na papayag si Dean na makipagkita sa kanya ng ganoong oras. Ayon rito ay

mahigit apat na oras ang distansya ng unit nito sa mansyon ng kanyang pamilya. Pero nagmaneho ito

ng ganoon kalayo para lang pagbigyan siya. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Noon naman

lumingon ang binata sa gawi niya na para bang naramdaman na nito ang presensiya niya.

Nagtama ang kanilang mga mata. Parang napakaraming gustong sabihin ni Dean base sa mga titig

nito sa kanya. Kung sana ay kaya niyang basahin ang nilalaman ng isip nito. He looked wonderful just

sitting there. Tinatangay ng pang-umagang hangin ang mahabang buhok nito. At kahit pa

nangangalumata ito ay hindi pa rin nabawasan ang gandang lalaking taglay nito.

Halos hindi makapaniwala si Selena na pinupuri niya si Dean. Kung malalaman lang siguro ng mga

kaanak o ni Adam ang mga iniisip niya ay wala na siyang mukhang maihaharap pa sa mga ito.

“Gusto kitang lapitan.” Anang binata. “Pero nag-aalala ako na baka maalarma ka. Kaya kung handa ka

na, you can sit beside me.” Tinapik nito ang espasyo sa tabi nito bago ito matipid na ngumiti. “It was so

good to see you in the morning, Selena. Magandang panimula ng araw. Just like the old-“ Mayamaya

ay napailing ito.

Nagsalubong ang mga kilay ni Selena. “You were saying?”

Muling napangiti na lang si Dean pero hindi maikakaila ang lungkot sa mga mata nito. “Nothing.”

At gaya ng dati ay naaapektuhan si Selena sa kalungkutan na nakikita sa binata. Naalala niya ang

iniregalo nito sa kanyang painting noong twenty-fifth birthday niya. Kinuha niya iyon sa townhouse niya

at ipinalipat sa kwarto niya sa mansyon tutal ay iginigiit ng ama na doon na siya tumira. Ta-tatlo na lang

daw sila ay bubukod pa siya. She loved that painting. Kahit na ang sarili ang nakaguhit roon,

pakiramdam niya minsan ay si Dean ang siyang nakikita niya sa tuwing tumitingin siya roon.

Naupo si Selena sa tabi ni Dean. Sa loob ng ilang sandali ay nanatili lang silang tahimik na para bang

kuntento na sila na malapit sila sa isa’t isa. Wala nang iba pang salitang kailangan. Pero mayamaya ay

si Dean rin ang naunang bumasag sa katahimikan.

“Kumusta ka na? Masaya ka ba?” Marahang tanong ng binata.

“Masaya naman.” Paano ba ipapaliwanag ni Selena kay Dean iyong parang parating kulang na

pakiramdam niya? Isang uri ng kakulangan na naglalaho lang sa tuwing kasama niya ito? Paano niya

ba iyon sasabihin sa paraang mauunawaan nito kung kahit siya ay hirap na hirap na ring maunawaan

ang sarili?

“Ikaw, Dean, kumusta ka na?”

“Trying to survive each day.” Nilingon siya ni Dean. “Mahal mo ba si Adam, Selena?”

Nagulat siya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na tinanong siya ni Dean ng tungkol sa bagay na

iyon. Ganoon pa man ay ngumiti siya. “Mahal ko siya.” Iyon ang alam ko. “Mahal ko siya.” Ulit niya sa

mas mariing boses para kumbinsihin ang sarili. “Mahal ko si Adam.”

Natawa si Dean pero walang kasingpait iyon sa pandinig ni Selena. “Hindi ako naniniwala sa sumpa.

Pero mukhang nagalit si Pepe San Diego kaya ngayon heto at pinatutunayan niya sa akin na tama siya

at mali ako.” Tumayo ang binata. Nang mga sandaling iyon ay pumutok na ang liwanag sa buong

kapaligiran. “Kapag lumaki-laki na si Elijah at dumating ang panahon na natutunan niya nang

magmahal, alam mo kung ano ang unang sasabihin ko sa kanya?”

Parang may biglang nagbarang kung ano sa lalamunan ni Selena kahit pa hindi niya gaanong

maunawaan ang mga sinasabi ni Dean. Para siyang nasa loob ng isang bugtong at hindi niya

mahanap-hanap ang sagot. “Ano?”

“Sasabihin ko sa kanya na “Kapag nagmahal tayo at dumating ‘yong panahon na kailangan natin silang

pakawalan, kahit masakit, pakawalan natin sila. ‘Wag natin silang talian. ‘Wag natin silang rendahan.

Dahil kahit sila, masisikipan. Kahit sila, masasaktan. Ibigay natin ‘yong hinihiling nilang paglaya. At sa

dulo ng lahat ng ito, ang pinakamainam nating gawin ay ang umasa na sana… sana isang araw, ‘yong

mga pinakawalan natin ay makaalalang bumalik sa atin. O kung hindi man ay magdasal na sana…

sana isang araw, lumipas ang sakit, ang lahat ng sakit.”

Nanubig ang mga mata ni Selena sa narinig. Hindi maitatanggi ang hapdi sa boses ng binata. “Dean…”

“Ilang buwan na rin ang lumipas. Magli-lima na. Do you still remember the princess that I said I’m in

love with? The one who fell in love with the prince’s subordinate?” Sa halip ay wika ni Dean. “She had

a change of heart, Selena. Na-in love siya uli sa isang prinsipe. At kung sakali man na dumating ang

panahon na makilala mo ang prinsesa na iyon, pakisabi sa kanya na walang anumang galit o sama ng

loob sa kanya ang tagasunod ng prinsipe. He will always, always understand her.

“Siguro may mga bagay lang talaga sa mundo na kahit na anong pakikipaglaban ang gawin mo, hindi

uubra. Pakisabi sa kanya na pinapakawalan ko na siya. Hindi dahil ayoko na o napagod na ako. Lalong

hindi dahil hindi ko na siya mahal. Kundi dahil nangako ako sa kanya na pakakawalan ko lang siya sa

oras na makita kong wala ng pag-asa at hindi niya na ako mahal. At ito na iyon. Ayoko na siyang

patuloy na itali sa akin. Natatakot na akong masakal siya lalo na at mukhang hindi talaga siya ang para

sa akin.” Gumaralgal ang boses ni Dean. “I love her so much. But lately, I can’t help but feel so down.

Loving her gave me strength the same way that it was making me weak right now. Nanghihina na ako

at gusto ko na ring magpahinga.”

“God, Dean.” Napatayo na rin si Selena. “H-how do I make you feel better? Ayokong makita kang

nagkakaganyan.”

“Pwede bang payakap naman?” Ngumiti si Dean. Ibinuka nito ang mga braso. “Payakap… kahit

ngayon lang.”

Wala nang pagda-dalawang isip na lumapit si Selena kay Dean at buong higpit na niyakap ang binata.

Gumanti ito ng yakap kasabay niyon ay narinig niya… ang pagtangis nito. Para siyang dinurog. Para

siyang binasag, sa sobrang sakit na nararamdaman ay hindi niya iyon makuhang ipaliwanag. Ang alam

niya lang ay nasasaktan siya sa kaisipang nasasaktan ang binata.

“Tama na.” Pumiyok ang boses ni Selena. “Tama na, Dean, please.”

“Ano na bang gagawin ko, Selena? Natatakot ako. Nag-aalala ako. I don’t wanna let the princess go.”

“Then don’t.”

“Pero may mahal na siyang iba. Kumapit ako sa nakalipas na mga buwan kasi ang sabi nila, ang puso,

parating makakaalala sa kabila ng lahat. Pero hindi na ako maalala ng puso niya.”

Pumitlag ang puso ni Selena. Bakit ganoon? Bakit iba ang dating sa kanya ng mga salita ng binata?

Ano ba ang talagang gusto nitong iparating? Magsasalita pa sana siya nang mayamaya ay humiwalay

na sa kanya si Dean. Pinakatitigan nito ang kanyang mukha na para bang kinakabisa nito iyon bago

siya nito marahang dinampian ng halik sa noo.

“I truly wish you well, Selena. Be happy, okay?” Halos pabulong na sinabi ni Dean bago ito nagpaalam

na. Sumakay na ito sa kotse nito at pinaharurot iyon palayo. Hindi na siya nakapagsalita.

May nakapang takot sa dibdib si Selena. Bakit kung magsalita si Dean ay para bang hindi na sila muli

pang magkikita? Bakit kung tingnan siya nito ay para bang siya ang prinsesa na tinutukoy nito na ayaw

nitong pakawalan? Natutop niya ang dibdib kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha.

Sumikat na ang araw. Pero bakit parang lumubog na iyon sa paningin niya? Pakiramdam niya nang

umalis si Dean ay tinangay nito ang lahat ng liwanag sa paligid niya. Ilang minuto pang nanatili si

Selena sa labas ng gate bago siya nagpasyang pumasok na. Pero bago iyon ay nalingunan niya ang

mga magulang sa veranda na parehong nakatitig sa kanya. May luha rin siyang natanaw sa mga mata

ng ina habang hindi niya naman mabasa ang ekspresyon ng ama. May inililihim ba ang mga ito sa

kanya?

GUMUHIT ang ngiti sa mga labi ni Dean kasabay ng pag-iinit ng mga mata niya nang makita ang ama

na nakasandal na sa headboard ng kama nito habang nakabukas ang mga braso sa kanya. Hindi siya

likas na emosyonal. Pero nitong mga nakaraang araw dala ng samu’t saring nararamdaman ay parang

kay daling lumabas ng mga luha niya.

Abala si Dean sa pagpipinta nang tawagan siya ni tito Andrei, ang abogado ng kanyang ama at

pinapupunta siya sa ospital. Ito ang nagbalita sa kanya na pagkalipas ng halos walong taon,

nagkaroon ng himala at nagising ang kanyang ama. Ora-mismo ay iniwan niya ang lahat ng ginagawa.

Ni hindi na siya nakapagpalit pa kaya bakas pa ang pintura sa kanyang mga palad at damit. Gaya ng

dati ay inihabilin niya na muna ang anak kay manang Ester.

May mga security guards na naabutan si Dean sa labas ng kwarto ng ama na pare-parehong yumukod

sa kanya nang makita siya. Pero bago iyon ay nakita niya rin ang nagsisigaw na madrasta niya

kasama si Adam sa labas ng ospital na hinaharangan rin ng mga gwardya kaya hindi nakapasok.

Ipinagtaka niya iyon nang husto dahil siya ay walang kahirap-hirap na nakapasok matapos niyang

kumpirmahin ang pangalan niya.

“Dean… anak.” Namamaos pang sinabi ng ama. “Come here.”

Wala nang sali-salita pa. Para siyang bumalik sa pagkabata na nananakbong lumapit sa kanyang ama,

nasasabik na maramdaman ang yakap nito, ang tatag nito. Sa dami ng pinagdaraanan niya,

kailangang-kailangan niya ng yakap na iyon. Mahigpit niyang niyakap ang ama. Gumanti ito ng mas

mahigpit ring yakap habang tinatapik-tapik ang kanyang likod.

“Dad, I’m so sorry.” There. Sa tuwing binibisita ni Dean ang ama ay parati niyang sinasabi iyon rito.

Hindi niya alam na darating pa ang pagkakataon na magagawa niyang personal na humingi ng tawad

rito, na magagawa pa nitong marinig iyon. Kahit paano ay nagluwag ang kanyang kalooban. “I’m so

sorry for putting you into that state for the past years.” Gumaralgal ang boses niya. “Hindi na ako aalis,

dad. Hindi na ulit. Pangako.”

“Sshh. I wanted to let you go that time, son. Gusto na kitang pakawalan noon kasi alam ko na

nasasaktan ka na rin masyado. I thought if setting you free was the only way you can stop hurting,

kahit mahirap, kakayanin ko. But then something happened that day.” Bahagyang humiwalay ang

kanyang ama sa kanya. Pinakatitigan siya nito. Napuno ng luha ang mga mata nito. “Bago ka umalis,

parati na kaming nagtatalo ni Leonna. Parati ko siyang nahuhuling kausap si Harry, ang boyfriend niya

bago kami ipinagkasundo sa isa’t isa ng mga magulang namin. Pero inayawan iyon ng mga magulang

niya dahil simple lang ang pamilyang pinagmulan ni Harry.

“Noong minsang maaga akong umuwi sa mansyon, naabutan ko sila ni Harry na nagtatalo tungkol kay

Adam. Harry was insisting that Adam recognize him. Nag-iba na kaagad ang kutob ko. Kaya palihim

kong ipina-DNA test si Adam.” Nagtagis ang mga bagang ng ama. “And the day you were about to

leave was the exact same day I discovered that Adam isn’t my son. Iyon ang dahilan kaya kita

sinundan nang araw na iyon, kaya kita hinabol. Because I want my real son to stay and be the one to

be with me. But the accident happened.

“Wala kang kasalanan doon, anak. I was just… distracted while driving at that time. Leonna’s betrayal

was just too much to bear. Lalo na at inakala kong akin talaga si Adam. Bukod pa roon ay napamahal

na rin sa akin si Leonna. Kaya sa kabila ng pagna-nag niya, I continued to hold on. But believe me,

son, your mother was the very first woman I loved. Maling panahon nga lang siguro. Pero wala na

akong naramdaman na katulad ng pagmamahal ko para sa mama mo.”

Muling napaluha ang ama. “I didn’t know that Leonna send her away. Ang akala ko ay kusa siyang

umalis nang alukin siya ng pera ni Leonna pati ng pamilya ko at tinanggap niya iyon. I was so

brokenhearted when I heard that to think that I was planning to process my annulment with Leonna. At

iyon ang matinding pagkakamali ko. Dapat pala, itinuloy ko na lang ‘yong annulment. Dapat pala hindi

ako naniwala kay Leonna at sa pamilya kong kinasabwat niya pa. I’m so sorry, Dean.”

Napamaang si Dean. Mayamaya ay naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Napuno ng pagsisisi at

galit ang puso niya. Sana pala ay hindi siya umalis noon. Sana ay naghintay siya ng kahit ilang araw

pa. Sana ay hindi naaksidente ang kanyang ama. Sana ay noon pa nito nakompronta si Leonna. Sana

nalaman iyon ng mga Avila. Disinsana ay walang humarang sa nabuong pagmamahalan nila ni

Selena.

Sana ay naging malaya sila ng asawa. Sana ay hindi nawala si Shera sa kanya. Sana ay hindi

naaksidente si Selena at nagkaroon ng amnesia. Sana ay masaya siya ngayon. noveldrama

Pero hindi. Mananatiling hanggang sana na lang ang mga iyon. Dahil mas sakim pa pala kaysa sa

inaakala ni Dean si Leonna. Napakaraming taon ang inagaw nito sa kanya. Inagawan siya nito ng

titulo, ng karapatan at ng lahat-lahat sa kanya.

“Pero ngayong nagising na ako ay itatama ko na ang lahat, anak. Ipapa-annul ko na ang kasal namin

ni Leonna at sa oras na hindi siya pumayag, masakit man ay wala akong magagawa kundi ang i-

blackmail siya. I will have to tell the public about her. I will have to tell them that Adam wasn’t my son.

Iyon ang dahilan kaya isa sa mga ipinatawag ko ay ang tito Andrei mo. Si Leonna at si Adam…”

Napailing ang ama. “Hindi ko na muna sila kayang makita sa ngayon. Alam kong inosente si Adam sa

nangyari. Ako ang inaakala niyang ama. But I just… I just couldn’t look at him without thinking how

unfair I have been to you, to my real son. I’m really so sorry, anak.”

Nahinto sa tangka sanang pagsasalita si Dean nang mayroon silang marinig na kumalabog. Pagharap

niya sa pinto ay nakita niya roon si Zandro, ang ama ni Selena, pabagsak itong nakaupo sa marmol na

sahig. Ni hindi niya namalayan na nakapasok na pala ito sa kwarto. Masyado siyang pinangunahan ng

emosyon sa mga ipinagtapat ng ama at base sa anyo ni Zandro ay nasisiguro niya na narinig rin nito

ang mga sinabi ng kanyang ama.

Nilapitan ni Dean si Zandro at inalalayang makatayo. Pero hindi ito tumayo. Sa halip, sa pagkabigla

niya ay lumuhod ang matandang lalaki sa harap niya at mahigpit na kumapit sa suot niyang pantalon.

Yumuko ito na para bang natalo sa isang napakahalagang laban.

“Patawarin mo ako, Dean. Diyos ko, patawarin mo ako.” Nanginginig ang boses na sinabi ng

matandang lalaki. “Patawarin nyo akong lahat.”

Bumuka ang bibig ni Dean pero walang anumang salita na lumabas sa kanyang mga labi. Mayamaya

lang ay narinig niya ang paghagulgol ng matanda. Diniinan niya ng mga daliri ang gilid ng kanyang

mga mata para pigilan ang muling pagluha. Inalis niya ang mga kamay ni Zandro sa kanyang pantalon

kasabay ng nanghihinang pag-upo rin sa tabi nito.

Noong unang beses na matuklasan ni Dean ang tungkol sa kanyang ama ay tuwang-tuwa siya. Sa

wakas ay magkakaroon na siya ng ama. Nawalan man siya ng ina ay mayroon pa rin siyang matitirang

malapit na kaanak. Noong makarating siya sa Maynila ay hinangad niyang kilalanin rin. Pero hindi iyon

ibinigay sa kanya ng tadhana. Kaya sa nakalipas na mga taon ay isa na lang ang hinangad niya. Ang

makalaya mula sa lahat ng mga nararanasan.

Pero isang araw ay minahal rin si Dean ni Selena. Mas lalong naging komplikado ang lahat. Nagkaroon

siya ng isang pangarap. Hinangad niyang kilalanin rin… bilang Trevino para bumagay siya sa kanyang

prinsesa. At heto na iyon. Kinikilala na siya ng hari, ng mismong ama ng prinsesa. Pero wala na siyang

makapa katiting mang saya sa puso niya. Dahil malupit ang mundo. Bago niya nakuha ang

pinakaaasam ay marami na munang nawala sa kanya.

At ngayon… matapos ng mga nangyari, aanhin niya pa ang pagkilala sa kanya? Aanhin niya pa ang

titulo? He was no longer a plain subordinate. He was now a prince. But what would he do with the

crown without his princess?

“Anong ibig sabihin nito?” Anang naguguluhang ama.

“You… were the most terrible man I have ever met, Mr. Avila.” Sa halip ay sinabi ni Dean. “Napakarami

ninyong ipinagkait sa amin ni Selena. And for the past months, I hated you so much. Kayo ang sinisi ko

sa nangyari kay Selena. Kayo rin ang sinisi ko sa pagkamatay ng anak ko. Kapag nasasaktan ako sa

tuwing tinitingnan ko ang asawa ko at hindi ko mahanap sa mga mata niya ‘yong pamilyar na emosyon

na kadalasan ay kumakalma sa loob ko, sinisisi ko kayo.

“Kapag nasasaktan ako sa tuwing kinakausap ako ni Selena, sa tuwing tinatawag niya ang pangalan

ko at ramdam na ramdam ko ang mga pagbabago, sinisisi ko kayo. Nang ilibing ang anak ko, sinisi ko

kayo. Alam nyo ba kung gaano kahirap para sa isang ama ang ihatid sa huling hantungan ang kanyang

anak? Inihatid ko siya na wala ang asawa ko sa tabi ko, na kalong ko ang umiiyak pa na si Elijah. My

son was even sick then. Pero hindi mo alam ang lahat ng iyon. Kasi wala ka naman doon nang

mangyari iyon.” Mariing naipikit ni Dean ang mga mata sa naalala.

“None of those things would have happened if only you let us be happy. But until the end, money and

wealth were all the things that you still cared about. Kung hindi nyo ba nalaman kung sino ako,

magkakaganyan kayo ngayon?”

Gumalaw ang mga balikat ng matandang lalaki sa pagtangis.

Naipilig ni Dean ang ulo. “Siguro kapag dumating ‘yong araw na nawala na ang lahat ng sakit, ako na

mismo ang sasadya sa inyo, Mr. Avila para sabihin sa inyong pinapatawad ko na kayo. Although I

doubt… if the pain will ever subside.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.