In A Town We Both Call Home

Chapter 16



Chapter 16

“ILANG linggo ko na rin ‘tong iniisip. I could’ve fought for Diana. But I didn’t. Before she came to me at

Janna’s hospital room, a part of me was already prepared to let her go. At sa araw-araw na nakikita ko

kayo ng anak ko, napapatanong ako sa sarili ko. Nagsisisi ba akong hindi natuloy ang kasal? I would

look at you and then at Janna and my heart would immediately say no. Nasaktan ako at aaminin kong

nasasaktan pa rin ako pero hindi ako nagsisisi, Lea. I don’t regret being with you and our daughter

now. I can’t possibly regret something that is making me happy.”

Nag-init ang mga mata ni Lea lalo na nang mabakas ang katotohanan sa mga mata ni Jake. Sa

liwanag na nagmumula sa poste hindi kalayuan sa kanila ay hindi nakaligtas sa kanya ang pamamasa

rin ng mga mata nito. Tumagilid ito sa kanya at inabot ang mga kamay niya. Marahan nitong hinagkan

ang mga iyon.

“Jake…”

“I miss you, you know. Terribly. Araw-araw ko na yata ‘tong sinasabi sa ‘yo.” Bahagyang natawa ang

binata. “Dahil araw-araw kahit kasama kita, nami-miss kita. Hindi kita maabot kahit na anong gawin ko.

I miss the way you call me like that. I miss the way you look at me, the way you smile at me. I miss

everything about you. Lea, pwede bang… pwede bang magsimula tayo ulit? Ayusin pa natin ito. There

could still be hope.”

Lumuluhang napatango si Lea. “I miss you, too, Jake. I miss you so much. And yes, there could still be

hope, after all.”

Agad na niyakap siya ng binata na sa pagkakataong iyon ay ginantihan niya rin ng mahigpit ring yakap.

Napatingala siya sa kalangitan kasabay ng matamis na pagngiti.

Mabubuo na ang pamilya niya. Sa wakas.

MASAYANG pinagmasdan ni Lea ang kanyang mag-ama na kasalukuyang naglalaro sa swimming

pool. Gumuhit ang kuntentong ngiti sa mga labi niya nang marinig ang malakas na pagtili ng anak na

nakikipagsabuyan ng tubig sa ama nito. Pero hindi nagtagal ay sa kanya naman tumutok ang mga

mata ng mga ito.

Napaatras si Lea nang makita ang halos sabay na pag-ahon ng mag-ama. Parehong may malokong

kislap sa mga mata ng mga ito. Natatawang napailing siya nang lumapit ang mga ito sa kanya. Itinuro

niya ang iniihaw na karne. “Mamaya na ako. Tatapusin ko na muna ‘to.”

Tinawag ni Jake ang kasambahay nila at binilinang ito na ang mag-ihaw.

“But I want to personally do that-“

“Oh, come on, Lea. You have all the time in the world to grill for us.” Natatawang sinabi pa ni Jake bago

siya nito biglang binuhat. Natatawa ring napatili siya nang mabilis na nanakbo ito papunta sa swimming

pool kasabay ng pagtalon nito habang buhat pa rin siya. Narinig niya ang malakas na pag-cheer pa sa

kanila ng anak.

Nang makaahon sa tubig ay sandali pang nasilaw si Lea sa flash ng camera ni Janna na sunod-sunod

ang naging pagkuha sa kanila ng picture ng ama nito. Naiiling na napangiti siya kasabay ng paglingon

kay Jake na nahuli niyang nakatitig sa kanya. There was fire in his eyes. And God… she couldn’t

believe how much she yearned for that fire. Dahil napakatagal na simula nang una at huling makita

niya iyon.

Malakas na napatikhim si Lea. “Jake, I-“ noveldrama

Pero bago pa man siya makapagsalita ay tinawid na nito ang natitirang distansiya sa pagitan nila.

Naipikit ni Lea ang mga mata kasabay ng pagsalubong sa maiinit na halik nito. For the first time, he

was kissing her and he was aware of it. Hindi na siya nito naipagkamali sa iba. Para sa kanya na

talaga ang halik na iyon.

Pumatak ang kanyang mga luha. Jake’s lips will always be the ones she wouldn’t mind kissing forever.

She welcomed that kiss. She welcomed passion back in her life.

NAPAHINTO sa pagpasok sa pool area si Timothy nang masalubong niya si Janna na galing naman

roon. Bibisitahin niya sana ang mag-ina. At doon siya itinuro ng mga kasambahay. Huminto rin ang

bata at mabilis na nagmano sa kanya. Hindi maikakaila ang kislap ng kasiyahan sa mga mata nito.

“Hello there, honey.” Bahagyang ginulo niya ang buhok ni Janna. “You’re glowing. Did something good

happen?”

Humagikgik ang bata kasabay ng pagturo nito sa swimming pool. Kumunot ang noo ni Timothy bago

sumulyap roon. Natigilan siya nang sa wakas ay matanaw si Lea. Pero hindi ito nag-iisa. Kasama nito

si Jake. They were… kissing.

Mabilis na napatalikod siya. Sa kabila ng paninikip ng dibdib ay humarap siya kay Janna at pilit na

ngumiti rito.

“I brought your favorite ube cake. Nasa kitchen na. Magbihis ka muna at saka ka kumain. Pakisabi na

lang sa Mommy mo na… dumaan ako.” Hinalikan niya ang bata sa noo bago siya nagmamadali nang

lumabas ng bahay ng mga ito.

Nang makarating na sa kotse ay hindi kaagad niya nagawang makapag-drive. Masaya siya para sa

mag-ina. Pero nagluluksa siya para sa puso niya. Iba pa rin pala ang epekto na makitang magkasama

na ang dalawa. Malakas na tinapik niya ang dibdib.

“Tama na, Timothy. Maayos na sila. Panahon na siguro para ayusin mo na rin ang sarili mo.” Parang

baliw na pagkausap niya sa sarili. “They are now happy.” Namasa ang mga mata niya. “That’s all…

that matters, right?”

NAIPIKIT ni Lea ang mga mata nang bumagsak sa sahig ang kahuli-hulihang saplot niya. Kasunod

niyon ay naramdaman niya ang maingat na pagbuhat sa kanya ni Jake papunta sa kama. Muling

pumatak ang kanyang mga luha nang maramdaman ang mumunting halik ng binata sa kanyang noo,

sa mga talukap, sa tungki ng kanyang ilong at mga pisngi. Tinuyo nito ang kanyang mga luha kasabay

ng mabilis na paghalik sa kanyang mga labi.

“Open your eyes, Lea.” Masuyong bulong nito.

And she did. “I love you, Jake.” Hindi niya napigilang sinabi.

Tatlong buwan. Tatlong buwan na siyang parang sasabog sa saya. Ni hindi niya inakalang posible pala

na maging masaya nang ganoon sa piling ni Jake. Bawat araw ay parang bagong simula sa pagitan

nilang tatlo ng anak. Marami na silang mga bagay na nagagawa nang magkakasama. Tinupad ni Jake

ang mga pangarap niya. May mga pagkakataon pang magkakasama silang nagluluto at nagkukulitan

sa kusina pagkatapos ay saka sila magpi-picnic sa labas.

Dalawang buwan na rin ang lumipas mula nang bumalik si Jake sa pagtatrabaho. Pero hindi

nabawasan ang oras nito para sa kanilang mag-ina. Naramdaman niyang totoo ngang bumabawi ito.

Ito ang naghahatid kay Janna sa eskwela. Pagdating ng hapon ay magkasama na ang dalawa na

susundo sa kanya sa opisina.

Sa susunod na linggo ay plano na nilang humarap sa kanyang mga magulang. Finally, she can tell her

parents about Jake. Sa susunod na taon ay gusto na rin ng binatang maikasal sila.

“If you love me then why are you crying?”

“I’m just happy.” Simula nang magkasundo sila ni Jake noon ay naging mas open na siya sa

nararamdaman para rito. Masaya si Lea na finally ay malaya niya nang nasasabi na mahal niya ito.

Kadalasan ay ngumingiti ito sa kanya sa tuwing naririnig iyon. He would look at her with that glitter in

his eyes and then he would kiss her as passionately as he could. At kuntento na siya roon. Nakahanda

siyang maghintay na matutuhan rin siya nitong mahalin. Sapat na sa kanya ang kaalamang may space

na rin siya sa puso nito, gaano man kalaki o kaliit iyon.

“Me, too, Lea. Me, too.” Ani Jake kasabay ng pagngiti nito. Muli ay umabot iyon sa mga mata nito.

Hinaplos niya ang mga pisngi ng binata. Siya na ang naunang humalik rito, halik na nauwi sa muling

pagsuko niya rito hindi lang ng kanyang sarili kundi ng kanyang buong puso.

“DIANA…”

Natigil sa tangkang paghalik si Lea sa mga labi ni Jake nang marinig ang ibinulong nitong iyon sa gitna

ng pagtulog nito. Nanigas siya. Ginusto niyang gisingin ang binata pero hindi niya magawa dahil bigla

ay nanginig ang mga daliri niya. Ilang ulit siyang napabuga ng hininga para alisin ang namuong

tensiyon sa kanyang dibdib pero wala pa ring nangyari.

“J-Jake,” Namamaos na sinabi ni Lea nang matagpuan ang boses. “N-nagkamali lang ako ng… r-rinig,

‘di ba? We’ve just made love. You can’t possibly be thinking about someone else afterwards. Lea

talaga ‘yon, ‘di ba? ‘Yon talaga ang sinabi mo.”

“Diana…” Muli ay paungol na sinabi ni Jake kasabay ng pagguhit ng matamis na ngiti sa mga labi nito.

Napaatras si Lea sa kama kasabay ng tuluyang paglandas ng mga luha niya. Patuloy siyang umatras

hanggang sa bumagsak siya sa sahig. Nanakit ang kanyang pang-upo at mga binti pero hindi niya iyon

ininda. Dahil wala pa ring mas sasakit pa sa puso niya na para bang binibiyak sa bawat segundo.

Noon naalimpungatan si Jake. Nanatili lang siyang nakamasid rito nang kapain nito ang isang bahagi

ng kama kung saan siya kanina nakahiga. Nang walang makita ay dumilat ito. Bumangon ito at para

bang nagulat nang makita siya sa ibaba. Agad na nilapitan siya nito. “What’s wrong?”

“Everything is wrong, Jake.” Nanginginig pa ring itinulak ni Lea ang binata. Naihilamos niya ang mga

palad sa kanyang mukha. Pakiramdam niya ay nangangapal ang mga iyon na para bang sinampal

siya. Kung sana nga ay ganoon lang ang naranasan niya. Pero higit pa roon ang pagragasa ng sakit sa

puso niyang akala niya ay pahilom na. Pero hindi pala. Dahil nagdurugo pa rin iyon. At mas matindi pa

dahil nadagdagan ang mga sugat.

“For the past years, I had no time to forget you even if I wanted to.” Garalgal ang boses na sinabi ni

Lea mayamaya. “Because whenever I look at Janna, I see you. Sa tuwing tinitingnan ko siya,

nahihirapan akong panindigan na galit ako sa ’yo. Nahihirapan akong panindigan na gusto na kitang

kalimutan. Nahihirapan akong panindigan na hindi na kita mahal. She looked exactly like you, Jake.

And every single time that she says she love me, I close my eyes and imagine it was you saying that to

me.”

“Lea-“

“Mahal kita. Mahal na mahal kita kaya nga hinayaan lang kita sa kung ano ang gusto mo. Kaya nga

hindi ko na ipinagpipilitan ‘yong sarili ko sa ‘yo. Because I wanted you to be happy, Jake. Ako na nga

ang lumalayo, ‘di ba? Pero lumapit ka.” Bahagyang dumiin ang boses ni Lea. “At sinabi mong gusto

mong sumubok. And I was the happiest woman in the world just because of that. Ang babaw ko, ‘no?

Gano’ng linya lang pero ang saya-saya ko na. Pero kung gaano mo pala ako kadaling mapasaya,

gano’n mo rin ako kadaling saktan.” Nanlalabo ang mga matang humarap siya kay Jake. “I just heard

you whisper Diana’s name twice in your sleep.”

“Lea-“

“Umamin ka nga sa ‘kin. Si Leandra pa rin ba ang nakikita mo sa akin hanggang ngayon kaya hindi mo

ako magawang mahalin?” Nanginginig ang mga kalamnang lumapit si Lea kay Jake at inabot ang

batok nito. Mariing hinagkan niya ito sa mga labi. “Can your sister do this?”

Sumunod na inabot niya ang mga kamay ng binata at inilagay sa kanyang mga dibdib. “I am Lea. Treat

me like Lea! O kahit tulad na lang ni Diana, Jake. Kung hindi mo ako makita bilang si Lea, kahit tingnan

mo na lang ako bilang si Diana. Pwede naman akong maging substitute ng babaeng mahal mo. ‘Wag

mo lang akong gawing substitute ng namatay na kapatid mo. Hindi ko na kaya ‘yon. Pretend that I’m

Diana instead, pretend that you love me. I can be like her, Jake.” Nakikiusap nang dagdag ni Lea.

“Florist si Diana, ‘di ba? Kung gano’n, mag-aaral akong magtanim, mag-aaral akong mahalin ang mga

bulaklak. Ano pa ba’ng kailangan kong gawin? Magpapa-plastic surgery ba ako-”

“Stop it!”

Binawi ni Jake ang mga kamay nito sa kanya pero hindi siya sumuko. Lumuhod siya sa harap nito at

mahigpit na humawak sa pajama nito. “Kabaliwan na kung kabaliwan. Pero kahit tatlong minuto lang. O

kaya kahit isang minuto, mahalin mo naman ako, Jake. Ako naman, please.”

Nagtaas na ito ng boses. “Tumigil ka na, Lea!”

Napasigok siya. “Ikaw… kailan ka kaya titigil na saktan ako? Maawa ka naman sa ’kin. I want you to

need me, yes. But I don’t want you to need me like this. Halos magmukha na akong babaeng parausan

para sa ’yo. Ayoko rin nito. Ayoko ng ganito. Dahil hindi naman ako ganito.” Gumalaw ang mga balikat

ni Lea sa paghikbi. “Pero nang minahal kita, lahat, kinalimutan ko na. At natatakot ako. Na baka kapag

nagpatuloy pa ‘to, lalo akong mawala sa sarili ko. Kasi sa ’yo na umikot ang mundo ko. Hindi ko na

kilala kung sino ako sa tagal kong naging si Leandra para sa ’yo. Gusto ko namang mabuhay bilang si

Lea. Kahit ngayon lang. Ayoko na. Gusto ko nang bumalik sa dating ako. Pero hindi ko na alam kung

paano.”

Mayamaya ay parang nasisiraang napatitig si Lea sa suot. Natawa siya nang sa wakas ay mag-sink in

sa isip niyang kahit pala sa pantulog ay style at paboritong kulay pa rin ni Leandra ang gamit niya.

Ganoong-ganoon ang gusto nito. Kahit ang suot niyang kwintas ay pangalan na Leandra rin ang

nakalagay na pendant.

Sinikap niyang tumayo. Lumapit siya sa aparador at binuksan iyon para kumuha ng ibang damit.

Natigilan siya nang makitang ang mga naroon ay ang mga iniregalo pa sa kanya ni Jake, ang mga

damit na kagaya rin ng mga isinusuot ni Leandra. Iyon mismo ang ginagamit niya sa trabaho. Iniikot

niya ang mga mata sa kwarto niya. Kahit ang kulay niyon ay pink na paborito rin ni Leandra.

God… Napasinghap si Lea.

Ayaw na ayaw niyang naihahalintulad kay Leandra pero hindi pala siya nakatakas mula sa anino nito.

Naalala niya ang mga naging pagluluto para sa kanila ni Jake. Ang mga inihahain nitong paborito raw

niya ay paborito pa ring mga pagkain ni Leandra. Pero pilit na binalewala niya iyon noon.

“Lea, I’m sorry-“

“We’ve been best friends for years.” Wala sa sariling bulong ni Lea. “Jake, do you even know my

favorite color?”

“Pink.”

Napatango-tango si Lea kasabay ng muling pangingilid ng mga luha. “I almost believed it’s pink. Dahil

nalimutan ko na kung sino ako. Nalimutan ko na ‘yong mga gusto ko dahil sa ‘yo. Nalimutan ko nang

maging ako. Look at my house. It was Leandra’s dream house. Not mine. Everything in it was her

favorite color. Not mine. I subconsciously created this knowing that this was what you liked, too.”

Napaluhod si Lea sa sahig nang manumbalik sa isip niya ang mga pinaggagawa niya mula pa noon

para kay Jake. Sobra-sobrang pagpapakababa na iyon.

Matalino naman siya. Iyon ang sabi ng mga magulang niya. Nagtapos siya ng kolehiyo nang may

karangalan pero hayun siya ngayon. Totoo palang nakakabobo ang pag-ibig.

Tulalang napahagulgol si Lea… para sa mga pagkakataon na pinilit niyang sumugal at lumaban. At

para sa mga pagkakataon na tulad ngayon na natatalo siya. Na natatalo na naman siya. Tinangka ni

Jake na abutin siya pero umiwas siya.

“Pack your things and leave.” Basag pa rin ang boses na sinabi niya. “Please.”

“But-“

“Do you love me?”

“Lea, I-“

“Do you love me?”

Napayuko ang binata. Higit pa sa sagot iyon.

“Until the very end, you have no mercy, Jake.” Halos padaing nang sinabi ni Lea. “Gusto mo akong

maghintay. Gusto mo akong manatili sa tabi mo. Nang walang rason. Nang wala kahit kapiranggot na

assurance man lang mula sa ’yo. Sana minsan, isipin mo rin iyong puso ko. Hindi lang puro ikaw.”

“Lea, listen to me first-“

“Ayoko na.” Nanghihinang napailing si Lea. “Ayoko nang makinig na naman sa ‘yo. Hindi ko na kayang

umasa na naman. Araw-araw akong nakikipaglaban para sa ‘yo, para sa pagmamahal mo. Pero ayoko

na. Ayoko nang mabuhay ng ganito. Kapag nagpakababa pa uli ako, baka ikamatay ko na. Lalo na

kapag sa huling pagkakataon, durugin mo na naman ako. Tonight, you just killed me again, Jake. You

are that cruel.” Mariing ipinikit niya ang mga mata kasabay ng pagtalikod sa binata. “Umalis ka na,

utang na loob.”

Ilang segundo ang lumipas bago niya narinig ang papalayong mga yabag ni Jake hanggang sa ang

pagsara ng pinto ang sumunod na narinig niya. Dahan-dahan siyang tumayo at ini-lock ang pinto bago

siya muling bumalik sa gilid ng kama at isinubsob ang ulo sa mga tuhod. Gusto niyang mapag-isa at

umiyak lang nang umiyak. Dahil hindi niya iyon nagawa noon. Hindi niya nagawang umiyak nang

matagal, ang indahin ang sakit nang matagal dahil may anak siyang nakamasid sa kanya.

“Anak, sinubukan naman ni mommy.” Patuloy sa pagbagsak ang mga luhang bulong ni Lea sa

kawalan. “But mommy failed again. Mommy always fail. Diyos ko. Bakit ba ang unfair ng pag-ibig sa

akin?” Impit siyang napasigaw. Ngayon na lang siya uli nakaramdam ng sobra-sobrang pagkaawa sa

sarili. “Ang sabi nila, kung kaya kang ibagsak ng pag-ibig, kaya ka ring itaas nito. Pero ako, puro

pagbagsak ang naranasan ko. At mas masakit kasi, each time I fall, I see your dad watching me. And

he never, not even once, thought about catching me.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.